Hater Mode Days

| |

strife.. 20secs:
todoink.. toink.. toink..
June 12 '08 Vs Jun 17 '08
Hater Mode1: June 12 '08
Pambihira! Malaya ka ba? Ako ba? Buti pa Sila!
pambihirang araw to. Nagising kasi ako ng masyadong maaga. actually, hindi naman ako nakatulog talaga. timang-mang nanaman ang drama ko. natuyot na ng diuretic na kape na yan ang kulot-kulot na utak ko. idagdag mo pa jan ang pagligo ko ng malamig na tubig-gripo. bakit parang rap song na tong post ko. sige iibahin ko na ang ending: gusto ko ng ice cream para lalo ako lagnatin at magkaroon ng rason na magleave sa trabaho.. Pambihira!!!
isang sign ng matinding karetarded-an: naalala ko birthday nga pala ng friend, pinsan ko at pamangkin ng isa ko pang friend ngayon.. Maligayang kaarawan sa inyo, Kath, Jhen at sa pamangkin ni Pher si Jyl. Mabuhay kayong mga isinilang upang maging malaya… Pambihira!!!
sabi ng kaliwang utak ko: oo nga pala, araw nga pala ng kalayaan ngayon, eeh bakit hindi holiday ngayon? Sana ngayon ako walang pasok..
Sagot naman ng kanang utak ko: eh kasi nga malaya si “Gloria Labandera” lumusong sya sa tubig buong katawan ay nabasa (malamang 4ft yun) na ibahin ang holiday… panay adjust, panay lipat… adjust, lipat, adjust, lipat… yan lang naman ang alam nyang gawin diba? Hmp!
Masarap maging malaya.. katunayan libre ang sakay sa mrt ngayon. Kaya naman sinamantala ng mga tao, at mga mapagsamantalang masasamang tao. Dios Mio… lagatak ang pawis ko sa siksikan.. at mahigit isang oras akong nakapila, atras-abante, hinto-lakad.. naka ilang stop entry na di pa ko nakakarating sa mismong sakayan ng train.. libre nga ang 12pesos na pasahe ko, mababawasan naman ang salary ko dahil sa sobrang late.. Pambihira!!!
Sana lang malaya rin akong malate sa trabaho ngayon.. Sana lang malaya akong magleave sa trabaho kung gusto ko.. Sana lang malaya ko ng masabi sa taong mahal ko na mahal ko sya..(sinu yun?) echos lang po! :)
mabuti pa ang mga magnanakaw, habang buhay silang malaya, at hindi talaga makuntento. gagawin ang lahat para lang masunod ang hilig. mga taong masyadong matayog ang kagustuhang umalwan ang pamumuhay. Lalim ko noh? hehe
hindi ba sa tuwing may isang magandang pangyayari, madalas maririnig mo ang mga katagang "pwede na akong mamatay!", sana ganun nga ang sapitin nung mga walang kwentang magnanakaw at masasamang tao na yun. (hater mode) dahil malamang nasa heaven ang pakiramdam nila habang nilulustay ang pera na pinaghirapan nila... yun lang, pinaghirapan nila sa pamamagitan ng paggawa ng masama sa kapwa. Pambihira!!!
naapektuhan lang siguro ako ng todo sa karumal-dumal na balita na naririnig ko araw-araw sa TV at nababasa ko araw-araw sa Diaryo.
sa mga minamahal ko: siguro stressed out lang po talaga ako.at sa mga magnanakaw at lahat ng masasamang loob: kung hindi man kayo mamatay sa pagkakakuntento nyo sa perang ninakaw nyo, gaya ng lagi kong sinasabi sa mga bad-ass na kagaya nyo... sana magkakanser kayo sa itlog! Wahaha wag na kayong kumontra, araw ng kalayaan ngayon. Kaya malaya akong ipahayag ang nais ko.
Hater Mode2: June 17 '08
Anak ng tokwa, kamusta naman yung mamang pulis na nagngangalang Cortez dun sa may lagpas ng muñoz. EH BASTOS KANG PULIS KA! i hate you magka-cancer ka sana sa itlog! bwisit! Hinuli ang FX na sinasakyan ko kaninang umaga, byaheng pa MRT, eh sobrang traffic kasi dahil sa lubak lubak at sabay sabay na pagbubungkal ng daan na proyekto ni Metro Gwapo Bayani Fernando, soshortcut sana yung FX na sinasakyan ko para makaiwas sa traffic, nung pakanan na kami sa may project 7 no right turn on red signal daw. DAW!! eh kung may nakapaskil ba dun at kung may stoplight sa nasabing kalye eh sana alam namin at alam ng driver, nasa tabi kasi ako ng driver nun, favorite ko kasi umupo sa harap para mas kita ko kung traffic at kung marami ng tao sa MRT para pag maraming tao eh mag bubus na lang ako pa-ortigas. Bigla nalang may isang malaking tipak ng tulog na mantika ang pumara samin, sabi ko sa manong driver bilisan nalang nya dahil pakiramdam ko ay talagang hahabulin kami ng asul na buwaya na yun. True enough, nasa intersection na kami ng Mindanao Ave at Paramount konteng andar na lang at MRT na, ay biglang may nag wang-wang sa amin. Tumigil kami sa tabi, nagbaba ng bintana at maayos na nagtanong ang driver, "Ano hong problema boss?"Pakshet na Pulis: "EH TINATAKBUHAN MO KO EH!" (isang sigaw na may halong asar, feeling mo Diyos ka ng lasangan! Gago!) ay ang hirap ikwento yung paguusap. i-bubullet ko nalang yung ibang mga muni-muni ko para mas mabilis.
  • alam ko na may mga snatcher din palang naka uniform na BLUE. -- pilit nyang hinahablot ang lisensya ng driver. eh sa pagkakaalam ko, bawal na itong iabot sa pulis kung irequest nila. pwede mong ipakita pero hindi pwedeng ibigay, tiyak, lagay agad ito, o tiket ang kapalit.
  • ang karapatan ng pulis ay mas mahalaga kesa karapatan ng isang simpleng mamamayan. --bakit nya kasi kukunin agad ang lisensya ng hindi sinasabi ang violation? ang bobo talaga. may dialogue pa na isinagaw na walang reason behind it at all pagkatanong namin ng bakit nya pinipilit na kuhanin: "EH KARAPATAN KO EH!" kunin ko kaya yung baril mo at pasabugin ko bungo mo.
  • madali din mauto ang mga loko-lokong to. dahil nga kunwari ay magaling din kami, tumawag yung katabi ko sa tatay nya, inabot sa pulis ang cellphone nyang pagkabago-bago. sa 3 minutong paguusap nila sa pagbalik ng pulis sa katabi kong lalake ay bigla itong naging mabait.

natakot ata sa tatay nung katabi ko, eh best actor ba naman in a vioce over role! (ha?? ano yun?) akala yata ng obob na pulis na yun ay kapwa pulis nya ang tatay nung katabi ko. eh hinayaan nya na kami after 20 minutes of bastusan at panghahamak ng pagkatao. Siguro naisip nya. kung mangongotong sya sa pamilya ng kapwa pulis nya, nakakahiya naman yun. at pwede namin syang isumbong dahil alam namin ang apelyido nya. (uy, hindi talaga pulis ang tatay nung katabi ko, yun ang sabi nya sakin. hehe)Sabi ni Cortez na malaking slab ng lard, "Eh nagkahiyaan na kasi tayo, pano, titiketan ko nalng kayo!" Muka kasi kaming mayayaman kasi ang ganda ng FX ng mamang driver tapos naka shades pa sya at lahat kaming pasahero eh mukhang disente. (hehe) akala nya mahuhuthutan nya kami at si manong driver, usually kasi pag nahuli ang FX na sinasakyan mo kasama ka sa magsoshoulder ng bayad sa pulis. Eh kuripot ako, at ayokong sa isang tulad nya lang mapupunta ang aking hard earned Peso. Isa pa, ayokong i-tolerate yung ugali ng mga lokong pulis na yan. at! wala nga kaming violation gago ba sya? (oo, gago sya)ayan na, lumapit na at pinapaalis na kami pero tarantado talaga yung pulis na yun, humihirit parin. Sinigawan ko kasi sya (actually bulong lang yun napalakas lang) ng gusto nya lang eh KOTONG, PERA! akala mo naman ay malinis ang budhi ng bastos na yun, tinignan ba naman ako ng masama… natakot tuloy ako. wahahaFY ka PULIS MANGUNGURAKOT! isa ka sa mga dahilan kung bakit mas pinagkakatiwalaan pa ng tao ang mga gwardya ng SM at Trinoma (dinagdag ko lang).SANA MAGKACANCER KA TALAGA SA ITLOG! Pinatagal mo kami sa daan dahil sa walang kakwenta kwenta mong rason, wag na wag mong gagalitin ang nagugutom na si Sui. Dahil sa’yo nalate ako ng isang oras, hindi mo ba alam na malaking kabawasan yun sakin hmp!. Sana mabangga yung motor mo sa 10-wheeler na trak! I hate you! (pero yung motor lang ha, di ka kasama, mabait ako eh.. atleast motor mo lang)..

Nagmamahal,

Sui :)

No comments:

Post a Comment

just drop a line when you pass by my site.. thanks!

.